Home NATIONWIDE 22 indibidwal, 5 menor na biktima ng trafficking, nasagip sa Tawi-Tawi

22 indibidwal, 5 menor na biktima ng trafficking, nasagip sa Tawi-Tawi

317
0

Dalawampu’t dalawa katao, kabilang ang limang menor de edad, ang nasagip sa anti-human trafficking operation sa Bongao, Tawi-Tawi noong Agosto 28.

Ayon sa pulisya, galing Zamboanga City ang grupo at walang maipakitang legal na dokumento. Inamin nilang patungo sila sa Malaysia sa pamamagitan ng backdoor routes, kabilang ang Semporna, Kota Kinabalu, at Lahad Datu.

Pinaniniwalaang kapwa Pilipino sa Malaysia ang nag-ayos ng biyahe. Ilan sa mga biktima ay kasama pa ang kanilang mga anak o kaanak na menor de edad.

Ipinasa sila sa Ministry of Social Services and Development para sa counseling at tulong. Nagpaalala naman ang PNP Maritime Group sa publiko na mag-ingat sa mga alok na trabaho abroad na walang malinaw na papeles at agad i-report ang kahina-hinalang aktibidad na may kaugnayan sa human trafficking. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here