Home NATIONWIDE Patas na paghati ng nat’l budget sa lahat ng rehiyon, pinasasabatas

Patas na paghati ng nat’l budget sa lahat ng rehiyon, pinasasabatas

277
0

MANILA, Philippines – Naghain si Agusan del Norte Rep. Dale Corvera ng House Bill 4018 na layong tiyakin ang patas na pondo para sa bawat rehiyon habang tinatalakay ng Kongreso ang ₱6.793-trilyong National Expenditure Program (NEP) para sa 2026.

Nakasaad sa panukala na dapat hindi bababa sa 50% ng pambansang budget ay magmula sa mga programang inendorso ng Regional Development Councils (RDCs), na siyang nag-uugnay ng lokal na inisyatiba sa pambansang plano.

Binanggit ni Corvera na kadalasan ay wala pang 30% ng mga proyekto ng RDC ang napapabilang sa NEP, at ngayong 2026 budget, tanging 15.4% o ₱1.042 trilyon lang ang inilaan para sa Mindanao kahit may anim itong rehiyon kasama ang BARMM.

Layon ng HB 4018 na gawing batayan sa alokasyon ang mga socio-economic indicator gaya ng paglago ng populasyon, kahirapan, at paglikha ng trabaho. Giit ni Corvera, mas magiging tugma ito sa pangangailangan ng mga mamamayan at makapagpapaigting ng inklusibong kaunlaran sa mga rehiyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here