Home METRO Isa pang suspek sa Cubao hotel slay, nasakote

Isa pang suspek sa Cubao hotel slay, nasakote

307
0

MANILA, Philippines – Naaresto ng Quezon City police ang ikalawang suspek sa pagpatay sa isang lalaki na natagpuang nakagapos ang kamay at paa sa loob ng hotel room sa Cubao.

Ayon sa pulisya, nangyari ang operasyon nitong Sabado, isang araw matapos madakip ang unang suspek na sinasabing nobyo ng biktima sa loob ng apat na buwan. Itinuro umano nito ang kanyang kasamahan bilang pumatay sa biktima.

Nadiskubre ang unang suspek matapos nitong i-text ang kaibigan ng biktima at humingi ng ₱4,000 kapalit ng motorsiklo ng nasawi, na kalaunan ay ini-report sa pulisya.

Nag-check in ang biktima at ang unang suspek noong Miyerkoles ng gabi. Pagkaraan ng 24 oras, pumasok ang hotel staff at nadiskubreng patay na ang biktima, habang nakarekober din ng drug paraphernalia sa lugar. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here