Home METRO Proyektong tapos na, may pondo ulit sa 2026 nat’l budget – Teodoro

Proyektong tapos na, may pondo ulit sa 2026 nat’l budget – Teodoro

331
0

MANILA, Philippiens – Ipinunto ni Marikina Rep. Marcelino “Marcy” Teodoro ang ilang iregularidad sa ₱6.793-trilyong National Expenditure Program (NEP) para sa 2026 matapos madiskubreng may mga natapos nang proyekto sa kanyang distrito na muling nabigyan ng pondo.

Bilang halimbawa, tinukoy niya ang slope protection sa Balanti Creek, Barangay Sto. Niño, na natapos pa noong 2023 ngunit kasama pa rin sa flood mitigation program ng 2026. Sinabi ni Teodoro na ikinagulat ito ni DPWH Secretary Manuel Bonoan, na agad nagpa-verify sa DPWH-NCR.

“Meron ilang item doon na aking napansin at sinabi ko kay Secretary Bonoan na nung 2023 pa lamang ay may project na ginawa slope protection sa Balanti Creek sa Barangay Sto. Niño na tapos na pero nakita ko may item na nakasama doon sa flood mitigation program na gagawin pa ulit… Kaya nasabi ko kay Secretary Bonoan na baka dapat i-clarify ito with the DPWH, baka nagkamali sila sa pag-identify,” ani Teodoro, na dating alkalde ng lungsod.

Idinagdag din ni Teodoro na kulang ang pondo para sa ilang nagpapatuloy na proyekto, kabilang ang drainage system sa Sumulong Highway na kamakailan ay ininspeksyon ni Pangulong Marcos. Batay sa NEP, kalahati lang ng 361-meter project ang may alokasyon.

Giit niya, dapat tiyakin ng DPWH na tama ang datos at sapat ang budget upang maiwasan ang doble-dobleng proyekto at matiyak na natatapos ang mga imprastrakturang makikinabang ang publiko. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here