Home METRO P16M puslit na yosi, nasabat sa Iligan City

P16M puslit na yosi, nasabat sa Iligan City

286
0

MANILA, Philippines – Nasamsam ng mga awtoridad sa Iligan City ang tinatayang ₱16 milyon halaga ng smuggled na sigarilyo sa operasyon ng Task Force Iligan at Army’s 2nd Mechanized Infantry Brigade.

Aabot sa 390 kahon ng kontrabando ang naharang matapos ang habulan mula sa police checkpoint sa Barangay Suarez hanggang sa isang gasolinahan sa Barangay Tomas Cabili.

Naaresto ang driver at helper ng isang truck habang nakatakas ang sakay ng isa pang truck.

Ayon sa militar, mula Zamboanga City ang mga sigarilyo at kinuha sa Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte bago dalhin sa lungsod. Ipinasa na ang mga ito sa Bureau of Customs para sa dokumentasyon.

Inirekomenda ng mga opisyal ang pagtatalaga ng coast guard at maritime police sa baybayin ng Sultan Naga Dimaporo upang masubaybayan ang galaw ng kontrabando.

Nakatakdang magsampa ng kaso ang BOC laban sa mga sangkot. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here