Home NATIONWIDE French ex-policeman lilitisin sa pagmolestya sa mga paslit na Pinoy

French ex-policeman lilitisin sa pagmolestya sa mga paslit na Pinoy

279
0

FRANCE – Lilitisin sa Aix-en-Provence, France ang isang dating pulis mula sa Marseille child protection unit dahil sa umano’y panggagahasa at pang-aabuso sa mga batang lansangan sa Pilipinas.

Nakakulong na mula 2021, inaresto ang 46-anyos na suspek matapos ireport ng isang youth shelter na nagpapadala siya ng malalaswang mensahe sa isang 17-anyos na rape victim. Sa pagsalakay sa kanyang bahay, nasamsam ang libo-libong larawan ng child pornography.

Lumabas sa imbestigasyon na taon-taon siyang bumibiyahe sa Maynila bilang pinuno ng isang charity para sa mga batang lansangan, at doon umano nagbayad ng pera para makipagtalik sa dalawang batang ulila na edad 12 at 15.

Ayon sa Foundation for Childhood at iba pang child rights groups na nagsampa ng kaso, isa itong “Machiavellian scheme” ng taong nagpakilalang tagapagtanggol ng mga bata. Inaasahang matatapos ang paglilitis sa Huwebes. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here