Home NATIONWIDE Mga Pinoy sa Jakarta pinayuhang manatili sa loob ng bahay sa gitna...

Mga Pinoy sa Jakarta pinayuhang manatili sa loob ng bahay sa gitna ng marahas na protesta

355
0

Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Filipino sa Jakarta na manatili sa loob ng kanilang bahay at umiwas sa maraming tao habang nagpapatuloy ang marahas na protesta sa Indonesia.

“Filipinos currently in Jakarta should exercise caution and vigilance for safety, and avoid large crowds that may put themselves in danger,” ayon sa kalatas ng DFA.

Sinabi ng Philippine Embassy sa Jakarta na ang lungsod ay medyo ligtas subalit tiniyak na masusi nitong mino-monitor ang mga kaganapan at magpapalabas ng karagdagang patnubay kung kinakailangan.

Pumutok ang nationwide protests noong Lunes dahil sa mababang sahod at diumano’y sobra-sobrang allowance ng mga mambabatas.

Umigting ang tensyon matapos kumalat ang video na nagpapakita ng isang motorcycle delivery driver na hinahabol ng police vehicle.

Samantala, ang sinumang Filipino na apektado ng protesta ay maaaring makipag-ugnayan sa numero ng Philippine Embassy’s Assistance-to-Nationals via WhatsApp: +62811887334. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here