Home OPINION MABUHAY KA, YORME!

MABUHAY KA, YORME!

301
0

NAGING espesyal na bisita si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ng National Press Club noong Sabado ng umaga kaugnay ng ika-175 anibersaryo ng pagiging Father of Philippine Journalism ni bayaning Marcelo H. del Pilar o Plaridel.

Matatandaang tinintahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11699 o National Press Freedom Day bilang paggalang kay Del Pilar noong Abril 13, 2022.

Kasama rin sa mga dumalo sa okasyon si Ms. Maria Rita Marasigan-Aguas at Marcelo del Pilar Marasigan III, mga apo ni Del Pilar at John Patrick Vande Vusse; Ding Generoso, director ng PCO; Carlo Villacorta, SSS VP for Public Affairs; Madonna Calara at Jonathan Bonsol, ng GSIS Corporate Affairs Department; Edgardo Baysic, ng Intramuros Administration; Tess Vergara, ng DILG; Juliet Solis at Reina Lapid ng PTFoms; Maj. Philip Ines, MPD-PIO at iba pa.

Simple lang ang buod ng mensahe ni Yorme.

Aniya, “Trabaho ninyo ang malayang pamamahayag, at tungkulin ko naman bilang alkalde ang magpaliwanag at maghayag ng mga programang tatahakin ng pamahalaang lungsod,” ani ng alkalde.

“Rest assured, kayong mamamahayag ay malaya rito sa Maynila. Umasa kayo na suportado namin ang malayang pamamahayag sa Lungsod ng Maynila.”

Isa pang mahalaga niyang mensahe ang kalayaan mismo ng mga mamamahayag o mamamayan na punahin siya sa anomang usapin at hindi niya mamasamain iyon.

Sa esensya, ‘yan ang dapat na dalhin ng isang lingkod-bayan at huwag maging balat-sibuyas na libelo ang ihahampas niya sa sinomang pupuna sa kanyang kamalian o pagkukulang o pagmamalabis…kung meron man.

Hindi nakapagtatakang pinabalik siya ng mga Manilenyo bilang kanilang pinuno dahil kakambal ng pagsusulong niya ng malayang pamamahayag ang kalayaan din mula sa mga barumbado sa batas sa lahat ng larangan.

Sa ngayon, kinakalkal ni Yorme ang puno’t dulo ng grabeng baha sa kanyang lungsod na talaga namang nakasisira sa buhay, ari-arian at kalayaan.

Mabuhay ka, Mayor Isko Moreno Domagoso!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here