Home OPINION LCSP, TUTOL SA TERMINAL FEE HIKE, SUPORTADO 50% DISCOUNT SA MINIMUM WAGE...

LCSP, TUTOL SA TERMINAL FEE HIKE, SUPORTADO 50% DISCOUNT SA MINIMUM WAGE EARNERS

263
0

SUPORTADO ng Lawyers for Commuters Safety and Protection ang pagtutol ng Trade Union Congress of the Philippines sa plano ng Department of Transportation na taasan ang airport terminal fee nang halos 50 porsyento.

Ayon sa LCSP, “masyadong mataas ang 50 porsyentong terminal fee hike.”

Paliwanag ng samahan ng mga abogado na nagmamalasakit sa mga motorista at commuters, hindi porke’t nag-e-eroplano ang isang commuter ay magiging madali o aprubado na sa kanya ang dagdag na pasanin ng mas mataas singil sa paglalakbay tulad nga ng terminal fee.”.

Pinapaalala ng LCSP na karamihan sa ating mga mananakay ay gipit din o maliit lang ang budget kaya mas marami ang pumipili sa mga “budget airlines” dahil para kahit papaano ay bumaba ang babayaran nila sa pasahe. At bakit kailangan ang pasahero pa ang kailangang pumasan sa sinasabi na ang pagtaas daw ng singil sa terminal fee? Hindi dapat sa kanila kunin ang pera para pondohan ang planong pagpapa-renovate or pagpapa-improve ng airports.

Lalo pa sa panahong ito, iindahin ng ating mga kababayan ang sobrang taas ng singil sa terminal.

Giit ng LCSP, may mga usapin pa na dapat tutukan ang DOTr, kagaya ng matagal nang hiling na pagbaba ng pamasahe sa mga tren at pagdisenyo ng estratehiya para lumuwag ang daloy ng trapiko sa mga kalsada na sadyang nagpapahirap pa sa mga Pilipino.

Sana nga ay tutukan ng DOTr ang usapin nang pagbibigay ng 50 porsyentong discount sa mga minimum wage earners upang mabawasan naman ang pasanin na kanilang binabalikat at makaluwag ng konti upang may idagdag sa inuuwi nilang kita sa kanilang pamilya.

Dagdag pa ng LCSP na naniniwala ang kanilang samahan na napapanahon at kailangan ng suporta ang panawagan ng TUCP ukol sa dalawang malaking isyung ito!

=========================

Atty. Albert N. Sadili
Spokesperson
Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP)
09660859816 – Viber and Mobile number

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here