Home NATIONWIDE SC, may paalala sa bar examinees

SC, may paalala sa bar examinees

264
0

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ni Supreme Court (SC) Associate Justice Amy Lazaro-Javier ang mga bar examinees na pagnilayan at pahalagahan ang kanilang paghahanda sa pagsisimula ng 2025 Bar Examinations sa susunod na linggo.

Sa kanyang video message na inilabas kahapon, Lunes, kinilala ng 2025 Bar chairperson ang 350-araw na paghahanda na pinagdaanan ng mga examinees.

“In these difficult last few days, remember to love yourself. Reward yourself for surviving this far with small treats that excite you. Not only do you definitely deserve them, they will renew your spirit and your zeal, whether it is a small glass of soda or spending quality time with your loved ones, let those small happy things propel you to success [in] this coming Bar exams,” sabi ng Bar chair.

Pinayuhan din niya ang mga examinees na magpasalamat at magkaroon ng pusong mapagpasalamat habang inaabangan nila ang susunod na hakbang kapag sila ay naging bahagi ng marangal na propesyon.

Sinabi rin ni Lazaro-Javier, isang Thomasian alumna, sa mga examinees na magkaroon ng pananampalataya at italaga ang kanilang mga sarili sa panalangin habang naglalayon ng kagalingan.

Samantala, ipinangako niya na isang makatarungang Bar Examination ang naghihintay sa kanila.

Gaganapin ang 2025 Bar Examinations sa Setyembre 7, 10, at 14 sa mga Local Testing Centers (LTCs). Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here