Home NATIONWIDE Pag-amyenda sa party-list law, suportado ng Comelec

Pag-amyenda sa party-list law, suportado ng Comelec

253
0

MANILA, Philippines – Suportado ng Commission on Elections (Comelec) ang hakbang ni Senator Vicente Sotto III na amyendahan ang 30-year-old party-list law ng bansa.

Naniniwala si Comelec Chairman George Garcia na panahon na para muling bisitahin ang Republic Act 7941, na kilala bilang Party-list System Act na nilagdaan noong 1995.

“This clarification and change are timely and long been awaited. We strongly support this bill,” sabi ni Garcia na tinutukoy ang Senate Bill 192 na inihain ni Senate Minority Leader Vicente Sotto III.

Idinagdag pa ng Comelec na handa silang tumulong at magbigay ng inputs kung tatanungin ang kanilang expertise.

Samantala, tinatanggap din ng poll watchdog na Kontra Daya ang panukalang batas ni Sotto.

Ang panukalang batas ay naglalayong iayon ang party-list system sa orihinal na layunin nito, para ito ay tunay na kumatawan sa mga marginalized at underrepresented. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here