Home METRO 5 senior, 6 iba pa sugatan sa karambola ng sasakyan sa Cavite

5 senior, 6 iba pa sugatan sa karambola ng sasakyan sa Cavite

295
0

CAVITE, Philippines – Sugatan ang 11 indibidwal na kinabibilangan ng limang Senor Citizens matapos mabangga ng isang Izusu truck van ang ilang sasakyang nakatigil sa stop light sa Silang, Cavite Lunes ng umaga.

Pawang nilalapatan ng lunas matapos isugod sa Silang Medical Specialist at Estrella Hospital ang mga biktimang sina alyas Roderick, 63 ng Pasong tamo, Quezon City; alyas Rene, 59, isang Call Center Agent ng Pasong Tamo, Quezon City; alyas Cecilia, 92, isang Balo ng Pasong Tamo Quezon City; alyas Emelita, 81 ng Bagong Pag-asa, Quezon City, alyas Josefina, 86, ng Bagong Pag-asa, Quezon City; alyas Arvin, 27 ng Amadeo, Cavite na driver ng Nissan Terra; alyas Armine, 58 ng Amadeo, Cavite; alyas Faustino, 46, driver ng tricycle na Kawasaki; alyas Lorenita, 47, ng Silang Cavite; alyas Ronelio, 39, driver ng Toyota Hi Ace ng Silang, Cavite; at alyas Roland, 42, driver ng Mitsubishi Montero.

Nabatid na nakatigil ang mga sasakyan na kinabibilangan ng Isang Chevrolet Trailblaze, isang Nissan Terra, isang tricycle na Kawasaki Barako, isang Toyota Hi Ace at isang Mitsubishi Montero sa kahabaan ng Brgy. Tubuan 2, Silang Cavite galing Tagaytay patungo sa direksiyon ng Dasmariñas bandang alas-10:43 kamakalawa ng umaga habang nasa stop light nang banggain sila ng minamanehong Isuzu truck van na may plakang RKV 842 ni alyas Marvin, 41 ng Balayan, Batangas na nagresulta sa pagkakasugat ng ilang drivers at pasahero sa nasabing mga sasakyan.

Hawak na ng pulisya ang driver ng Isuzu truck van. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here