Home METRO 3 tigok sa sumalpok na van sa poste

3 tigok sa sumalpok na van sa poste

211
0

ISABELA — Patay ang tatlong katao habang sugatan ang anim na iba pa matapos sumalpok sa poste ng kuryente ang sinasakyan nilang van, iniulat kahapon sa Ilagan City.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang tatlong biktima, habang ginagamot naman sa pagamutan ang anim na sugatan kabilang ang driver ng Hyundai Starex na kinilalang si Luis Balisi, residente ng San Pablo, Isabela.

Batay sa ulat ng Ilagan City Police Station, naganap ang insidente bandang ala-1:00 ng madaling araw noong Setyembre 1 sa Purok 5, Barangay San Juan ng nasabing lungsod.

Sa paunang imbestigasyon, galing Maynila ang sasakyan na may sakay na siyam na pasahero at pauwi na sa bayan ng San Pablo.

Habang binabaybay ni Balisi ang kalsada, bigla umanong kumalas ang gulong ng sasakyan hanggang sa sumalpok ito sa poste ng kuryente at punongkahoy.

Sa lakas ng pagkakasalpok, nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang tatlong biktima na naging sanhi ng kanilang pagkamatay.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay ng insidente. (Mary Anne Sapico)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here