Home METRO Magsasaka tigok sa bubuyog sa Albay

Magsasaka tigok sa bubuyog sa Albay

229
0

LEGAZPI CITY — Patay ang isang 66-anyos na magsasaka matapos atakihin ng mga bubuyog sa Barangay Calbayog, Malilipot, Albay.

Ayon kay Police Captain Alex Alcantara, hepe ng Malilipot Municipal Police Station, narinig ng isang saksi ang sigaw ng biktima habang pinuputakte ito ng mga bubuyog. Hindi agad nakalapit ang saksi dahil sa takot na siya man ay atakihin.

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit hindi na siya nailigtas.

Batay sa medical record, namatay siya dahil sa anaphylaxis, isang matinding allergic reaction sanhi ng maraming kagat, partikular sa mukha at leeg.

Pinayuhan ng pulisya ang mga residente na iwasang lumapit sa mga pugad ng bubuyog upang hindi na maulit ang insidente.(Mary Anne Sapico)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here