Home METRO 19 naospital sa sumabog na drum ng chlorine sa resort sa Cebu

19 naospital sa sumabog na drum ng chlorine sa resort sa Cebu

265
0

MANILA, Philippines – Labinsiyam na katao ang isinugod sa ospital matapos sumabog ang isang drum ng chlorine sa isang resort sa Barangay Pooc, Talisay City, Cebu nitong Martes ng gabi, ayon kay Mayor Samsam Gullas.

Nakararanas ang mga biktima ng matinding sakit ng ulo, hapdi sa mata, hirap sa paghinga, at pagsusuka matapos malanghap ang nakalalasong usok.

Ipinag-utos ni Gullas ang cease-and-desist order laban sa Alcoseba Resort habang iniimbestigahan ang insidente at nanawagan sa mga residente na huwag lumapit sa lugar.

Pinuri rin niya ang agarang tugon ng BFP Hazmat team, DRRM personnel, at lokal na pulisya. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here