Home NATIONWIDE Batas na bumuo sa PCAB pinaaamyendahan ni Sotto

Batas na bumuo sa PCAB pinaaamyendahan ni Sotto

267
0

MANILA, Philippines – Dapat na umanong amyendahan ang batas na bumuo sa Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB), ayon kay Senator Vicente Sotto III sa Kapihan sa Manila Bay forum nitong Miyerkules.

Paliwanag ng senador, panahon na para baguhin ang naturang batas upang maging mas malinaw ang pagbabawal sa mga opisyal nito na pumasok sa kontrata ng gobyerno.

Dapat din aniya higpitan ang patakaran ng PCAB sa pagtanggap o pag-aaccredit ng mga kumpanya upang maiwasan ang mga sitwasyong tulad ng kay Discaya.

Tinutukoy ng senador ang pagsali sa bidding ng siyam na kumpanya na iisa lamang ang may-ari.

Pinasisilip din ng senador ang Construction Industry Authority of the Philippines na nasa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI). (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here