Home ENTERTAINMENT Herlene, bet maging contractor kesa mag-artista!

Herlene, bet maging contractor kesa mag-artista!

355
0

Manila, Philippines – Kahit aktibo pa sa showbiz, may fallback na raw si Herlene Budol.

“Winner” kasi ang post ng sexy comedienne sa kanyang Facebook account.

Napapanahon nga naman ang usapin tungkol sa mga maanomalyang flood control project ng DPWH, kaya naisip ni Herlene na magbiro tungkol sa pag-iba ng career.

“Parang gusto ko na lang maging contractor kesa mag-artista,” saad niya sa kanyang post.

Ang dapat sana’y biro lang ay sineryoso ng isang male netizen na nagpadala pa sa kanya ng DM (direct message).

Sinagot naman ito ni Herlene: “Sineryoso mo naman kuya. Kung pamimiliin ako kung artista o contractor, ikaw ang pipiliin ko… labyu!”

Dahil sa post na iyon, marami pang netizen ang nag-react.

May isang netizen na nagpahayag ng pagkadismaya sa ilang artista na pumapasok sa pulitika dahil umano sa katamaran at hangad lang na fame and fortune.

Isa namang netizen ang nagbansag sa DPWH bilang “Departamentong Puro Walang Hiya.”

Samantala, may isa ring netizen na nagbiro kay Herlene na mas mabuting “mambudol” na lang siya ng congressman.

(Ronnie Carrasco III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here