Home METRO 10 durugista timbog sa P612-K ‘tobats’ sa Bulacan

10 durugista timbog sa P612-K ‘tobats’ sa Bulacan

189
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang High Value Individual (HVI) nang mahulihan ng P408,000 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Santa Maria.

Sa report ni PLTCOL Voltaire Rivera, hepe ng Santa Maria police station, kinilala ang suspek na si alyas “Kalbo”, 50, residente ng Brgy. Mag-asawang Sapa.

Ayon sa report ni Rivera, ikinasa nila ang operasyon katuwang ang Bulacan PIU, PIT East, RIU3 at PDEA Bulacan bandang alas-5:40 ng hapon noong Setyembre 2 sa nasabing lugar.

Narekober sa suspek ang limang sachets na hinihinalang shabu na tumimbang ng 60 gramo, may standard drug price P408,000.00, coin purse at buy-bust money.

Samantala huli rin ang siyam pang indibiduwal sa kaparehong operasyon ng Malolos, Meycauayan at Obando police station.

Nasa kabuuang 22 sachets na hinhinalang shabu na nasa P204,680 kabilang ang buy-bust money ang nakumpiska sa nasabing magkakahiwalay na operasyon kontra iligal na droga.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong mga istasyong humuli sa kanila. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here