Home NATIONWIDE Budget deliberations ng Kamara, ipagpapatuloy!

Budget deliberations ng Kamara, ipagpapatuloy!

182
0

MANILA, Philippines – Nagpapatuloy ang deliberasyon ng House committee on appropriations isang araw matapos irekomenda ng mga lider ng partido sa House of Representatives ang pagbabalik ng panukalang 2026 budget sa Department of Budget and Management para sa pagsusuri.

Ginawa ng mga lider ng partido ang rekomendasyon matapos mapansin ng ilang miyembro ng Kamara ang mga alokasyon para sa mga proyektong natapos na.

Si Palawan Rep. Jose Alvarez, vice chairperson ng House committee on appropriations, ay isa sa mga nagbigay ng rekomendasyon na dumalo sa deliberasyon Huwebes ng umaga.

Aniya, tinawagan ng mga kalihim ng DBM at Department of Public Works and Highways si House Speaker Martin Romualdez at ang House committee on appropriations para hilingin na magpatuloy ang budget deliberations.

Sinabi rin ni Alvarez na handa ang mga miyembro ng Kamara na mag-overtime sa panukalang budget para matiyak na nasa tamang landas ang budget calendar. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here