SUPORTADO ng Lawyers for Commuters Safety and Protection ang hakbang ni Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon na naglalayong papanagutin ang mga umano’y sangkot sa ghost flood control projects.
Si Dizon ay humiling sa Department of Justice at sa Bureau of Immigration na isama sa Immigration Lookout Bulletin Order ang mga sangkot sa maanomalyang proyekto ng DPWH na kasalukuyang iniimbestigahan sa Senado at Kamara.
Pero siyempre hindi dapat ang mga pribadong indibidwal lang ang maisama subalit maging ang mga politikong sangkot sa ghost projects at nakawan sa gobyerno.
Kabilang sa mga politikong dapat isama sa ILBO ay si Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co at kapatid na Christopher Co, na kapwa founder ng Sunwest Inc, dahil sila ang umano’y unang nakinabang sa kompanya.
Nakasama na si Aderma Angeli Alcazar, presidente at Chief Executive Officer ng Sunwest Inc sa ILBO subalit hindi pa rin dapat isaisantabi ang magkapatid na Co bagaman sila ay nagdivest ng ownership noong 2019.
Dapat pa ring maisama itong sina Zaldy at Christopher Co dahil sinasabing sila ang beneficial owner sa pamamagitan ng mga affiliated na kompanya nila.
Isa sa dapat ding hindi kalimutan na ilagay sa look-out bulletin ng Immigration ay itong si dating DPWH Secretary Engr. Manuel Bonoan na kahit nagbitiw na sa pwesto ay kailangan pa ring imbestigahan upang mabatid kung hanggang saan ang kanyang partisipasyon sa mga palpak na proyekto para sa flood control
Kahit pa itinanggi ni Bonoan na may bahagi siya sa korapsyon sa flood control projects ay may “command responsibility” siya sa mga opisyal na nasa request ng lookout order.
Naniniwala ang LCSP na ang pagsama sa talaan sa mga malalaking taong ito ay alinsunod sa sulat ni Dizon na ” the timely issuance of an ILBO is of utmost necessity to enable the current investigations to proceed without delay and to hold those liable accountable to the Filipino people”.
=======================
Atty. Albert N. Sadili
Spokesperson
Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP)
09660859816 – Viber and Mobile number






