Home NATIONWIDE Mga nagbitiw na opisyal ng CIAP, PCAB, ‘di pa rin lusot sa...

Mga nagbitiw na opisyal ng CIAP, PCAB, ‘di pa rin lusot sa imbestigasyon — Roque

287
0

MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni Trade Secretary Cristina Roque na isasama pa rin sa imbestigasyon kaugnay ng mga iregularidad sa infrastructure projects ang mga opisyal ng Construction Industry Association of the Philippines (CIAP) at Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) kahit nagbitiw na sila sa puwesto.

Kinumpirma ni Roque na nakahanda si CIAP Acting Executive Director Herbert Matienzo, na nagbitiw nitong Miyerkoles, na makipagtulungan. Nag-resign din ang dalawang miyembro ng PCAB board na sina Engineers Arthur Escalante at Erni Baggao dahil umano sa “personal reasons.”

May mga papalit na sa kanilang mga posisyon ngunit hindi pa inaanunsyo ang detalye habang inaayos pa ang papeles.

Ang pagbibitiw ay kasabay ng mas malalim na pagsisiyasat ng gobyerno sa mga iregularidad sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH), partikular na sa flood control.

Nauna nang tinukoy ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 15 kumpanya na nakakuha ng malaking bahagi ng mga kontrata.

Noong Miyerkoles, inilagay ni Roque sa ilalim ng kanyang direktang superbisyon ang CIAP at PCAB upang “ibalik ang integridad at transparency sa pamamagitan ng malaking reporma.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here