Home NATIONWIDE Presyo ng sili sumirit sa ₱800/kg

Presyo ng sili sumirit sa ₱800/kg

702
0

MANILA, Philippines – Tinututukan ng Department of Agriculture (DA) ang problema sa suplay ng siling labuyo matapos umabot sa ₱800 kada kilo ang presyo nito sa Metro Manila noong Setyembre 3—malayo sa ₱550/kg noong kalagitnaan ng Agosto at ₱350/kg noong Hulyo.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., posibleng ibenta sa mas murang halaga ang sili sa mga Kadiwa ng Pangulo outlet kapag nakahanap ng karagdagang suplay.

“Maybe… but wala rin supply masyado. We are looking at supply options,” aniya, na idinagdag na bumagsak ang produksyon dahil sa tuloy-tuloy na ulan at pagbaha sa Ilocos, Central Luzon, at Bicol.

Batay sa ulat ng DA, ang “supply gap” ay dulot ng kaunting pagtatanim at masamang panahon. Binibigyang-diin nito ang pangangailangan para sa rain shelters, greenhouses, tamang crop scheduling, at mas maayos na supply chain.

Dagdag ni Assistant Secretary Arnel de Mesa, malaking tulong ang research and development, lalo na sa greenhouse technology, para mapatatag ang suplay ng sili kahit ito ay seasonal crop. Sinusuri rin ang posibilidad na magtanim sa Visayas at Mindanao upang masapatan ang demand.

Noong Setyembre 3, ang presyo ng sili sa NCR ay nasa pagitan ng ₱400 hanggang ₱800/kg, may prevailing price na ₱700. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here