Home NATIONWIDE 13 katao ipinatawag ng CIDG sa kaso ng nawawalang mag-asawa, kasosyo sa...

13 katao ipinatawag ng CIDG sa kaso ng nawawalang mag-asawa, kasosyo sa Taguig

411
0

MANILA, Philippines – Ipinatawag ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang 13 katao kaugnay sa pagkawala ng isang mag-asawa at kanilang business partner sa Taguig City.

Ayon kay CIDG spokesperson Police Maj. Helen Dela Cruz, obligado ang mga ipinatawag na magsumite ng dokumento at testimonya.

“Nag-conduct na po ng backtracking at review ng mga CCTV ang ating mga operatiba,” aniya, at kinumpirmang ginamit ang ATM cards ng mga biktima matapos silang mawala.

Naglabas din ng subpoena sa ilang establisimyento at bangko habang nagpapatuloy ang pagtipon ng CCTV footage, testimonya, at forensic evidence para matukoy ang kinaroroonan ng mga biktima at posibleng suspek.

“Rest assured po na tutulungan namin ng CIDG ang pamilya, mga biktima, na makamit po ang hustisya… sa pamamagitan ng masusing investigation at pagpafile ng complaint,” dagdag ni Dela Cruz.

Hindi pa matiyak ng CIDG kung may kinalaman sa negosyo ang pagkawala, dahil nagpapatuloy pa ang imbestigasyon. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here