Home NATIONWIDE Pamasahe pa-Siargao target pababain ng DOTr at PAL

Pamasahe pa-Siargao target pababain ng DOTr at PAL

321
0

MANILA, Philippines – Nakikipag-ugnayan ang Department of Transportation (DOTr) sa Philippine Airlines (PAL) para ibaba ang pamasahe papuntang Siargao, isa sa pangunahing destinasyon sa turismo at kilalang surfing spot sa buong mundo.

Ayon kay DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez, alinsunod ito sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hikayatin ang mas maraming lokal at dayuhang turista.

“Para po sa Siargao, meron na pong kasunduan with PAL – na hopefully, we can implement it in the coming days na mapababa from PHP17,500 to PHP11,000,” ani Lopez.

Patuloy pa ang pag-uusap sa PAL para mas mapababa pa ang presyo.

Kasabay nito, pinag-aaralan din ng DOTr at Civil Aviation Authority of the Philippines ang pagpapalawig ng runway ng Siargao Airport upang makapasok ang mas malalaking eroplano. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here