Home NATIONWIDE Senglot nagpaputok ng baril nahimasmasan sa kulungan

Senglot nagpaputok ng baril nahimasmasan sa kulungan

247
0

Bulacan – Syut sa kulungan ang 46-anyos na lalaking nasa ilalim ng impluwensya ng alak na umano’y biglang nagpaputok ng baril sa bayan ng Santa Maria.

Sa report ni PLTCOL Volataire Rivera, hepe ng Santa Maria police station, kinilala ang suspek na si alyas “Ariel”.

Ayon sa report, naganap ang insidente sa Brgy. Catmon bandang 8:59 ng gabi nitong Setyembre 4, taong kasalukuyan.

Nabatid na bigla na lamang umanong naglabas ng cal. 45 pistol mula sa body bag ang suspek at pinaputok ito sa harap ng ilang residente sa lugar.

Agad nagtago ang mga nakakitang residente sabay tawag sa 911 kaya mabilis na nakaresponde ang mga pulis sa lugar hanggang sa mahuli ang suspek.

Nakumpiska ang Armscor Cal. 45, magazin na may talong bala at basyo mula sa suspek na nahaharap sa kaukulang kaso habang nakakulong sa nasabing istasyon. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here