Home NATIONWIDE Trough ng Tropical Depression, Habagat magpapaulan sa Luzon

Trough ng Tropical Depression, Habagat magpapaulan sa Luzon

271
0

MANILA, Philippines – Magpapaulan ang trough ng tropical depression Lannie at Southwest Monsoon o Habagat sa Luzon.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang tropical depression sa layong 430 kilometro kanluran ng Sinai, Ilocos Sur.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 70 kilometro kada oras, at kumikilos sa direksyong west northwestward sa bilis na 15 kph.

Dahil sa trough nito, mararanasan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Nueva Vizcaya, Quirino, at ang nalalabing bahagi Cagayan Valley ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms.

Ang Southwest Monsoon naman ay magdudulot ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Metro Manila, Central Luzon, CALABARZON, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, at Marinduque.

Samantala, bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms ang inaasahan sa nalalabing bahagi ng bansa dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here