Home METRO P.3M marijuana nasamsam sa 2 tulak

P.3M marijuana nasamsam sa 2 tulak

224
0

MANILA, Philippines – TINATAYANG aabot sa P.3 milyong halaga ng marijuana ang nasamsam sa dalawang tulak ng droga matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.

Ayon kay Northern Police District (NPD) Acting District Director P/BGen. Jerry Protacio, nagsagawa ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng buy bust operation, katuwang ang DSOU-NPD at Sub-Station 15 ng Caloocan CPS sa koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Dakong alas-8:13 ng gabi nang makipagtransaksyon ang dalawang tulak na sina alyas “Juan”, 28, at alyas “Tunying”, 27, sa isang pulis na nagpanggap na buyer na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanila sa Brgy., 180 ng lungsod.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 2,500 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana with fruiting tops na may standard drug price value na P300,000.00 at buy bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here