Home NATIONWIDE P529M legit for Navotas floodings – Rep. Toby Tiangco

P529M legit for Navotas floodings – Rep. Toby Tiangco

272
0

Manila, Philippines- Tahasang sinabi ni Navotas Congressman Toby Tiangco na walang anomang insertion o pagsingit ng P529 million para sa problema sa baha sa kanilang lungsod dahil iyon ay ang halagang aprubado ng sa dalawang kapulungan ng Senado at kongreso sa panahon ng deliberasyon ng pambansang pondo.

“I could not have made any insertion kasi hindi ako member ng Bicam. P529M was the amount approved in the Bicam from the requests for additional funding for Navotas.. All I can do is make a request and the Bicam decides,” sabi pa ni Tiangco.

Sagot ito ni Tiangco sa alegasyon ni Ako Bicol partylist Rep. Alfredo Garbin ukol sa mahigit P500 milyon ng pondong inilaan para sa Navotas kaugnay na lumalalim na imbestigasyon sa flood control scandal.

Apela ni Congressman Tiangco kay Garbin, huwag ilihis ang isyu dahil hindi ito matatanggap ng mga mamamayang nagbabantay sa imbestigasyon sa paglustay at pagkawala ng pondo para pigilan ang pagbabaha.

“So hindi ba mas nakapagtataka kung bakit si Zaldy Co was able to insert P13,803,693,000 to some districts that did not even ask for it? Dagdag pa dito papaanong nakapag-insert ang Ako Bicol partylist ng P2,295,000,000 at ang BHW naman ng  P2,064,000,000 samantalang ang limit ng ibang partylists ay P100 to P150 million lang?” tanong pa ng Navotas congressman.

“Navotas lies downstream of the Tullahan River and is below sea level during high tide. Ibig sabihin, ang tubig ng high tide mula dagat at ilog ay mas mataas kaysa sa lupa ng Navotas. Therefore, flooding is really the number one issue that needs to be addressed. Napaka-importante ng flood control projects dahil apektado ng baha ang maraming aspeto ng buhay—kaligtasan, kalusugan, kabuhayan, edukasyon, at negosyo ng bawat Navoteño,” sabi pa ng kongresista.

Tahasan pang sinabi ni Tiangco na hiniling niya ang pondo sa national government para talaga sa flood control projects ng Navotas na palagi naman binabaha subalit ang mga ito ay lehitimong nagamit kung kaya malaki na rin ang pagbabago sa problema ng lungsod sa pagbabaha.

“Hindi po ito sikreto. Pero dahil limitado rin ang pondo ng National Government, taon-taon ay partial ang pagpopondo kaya phase by phase ang pag-release ng budget,” sabi pa ni Tiangco.

Nilinaw rin ng kongresita na hindi sakop ng kanyang tanggapan ang pagpapa-bid sa proyekto kaya hindi umano niya ito pinakikialaman kahit kailan.

“I dont even ask DPWH kung sino ang nanalong bidders sa mga project.  In fact, the first time I asked the District Engineer was nung lumabas ‘yung Top 15 contractors to check if meron projects ang mga ‘yun sa Navotas. The second time was to ask kung sure ba siya na okay lahat ng projects ng lahat ng contractors even those na hindi kasama sa top 15 na nabanggit ng Pangulo and the DE confirmed na okay lahat. At kung may matuklasan akong kalokohan sa projects ako ang unang unang magrereklamo. Anong mapapala ko dyan, hindi naman ako Congtractor,” dagdag pa ng kongresista. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here