Home OPINION LCSP: MGA KASAPI NG SMALL COMMITTEE NG KONGRESO, ISAMA SA ILBO

LCSP: MGA KASAPI NG SMALL COMMITTEE NG KONGRESO, ISAMA SA ILBO

312
0

NANAWAGAN ang Lawyers for Commuters Safety and Protection sa Department of Justice at Bureau of Immigration na isahog o isama sa Immigration Lookout Bulletin Order ang mga kasapi ng “Small Committee” ng Kongreso na sinasabing kasangkot sa insertion sa 2025 National Budget.

Ayon sa LCSP, dapat lang na mabusising mabuti sa mga imbestigasyong isinasagawa ang ‘BICAM INSERTION’ sa budget para nitong 2025 lalo pa’t mismong sa bibig ng bagong talagang Department of Public Works and Highways Secretary Vince Dizon nanggaling na ang Wawao Ghost Flood Control Project sa Bulacan ay isang Bicam Insertion.

Nabatid na ang proyektong Wawao Flood Control Project ay isa lamang sa P410 bilyon shady insertion at pinaniniwalaang mismong ang small committee ay maaaring may kinalaman. Sino-sino kaya ang mga miyembro ng small committee ng Kamara?

Ngayon pa lang ay dapat malaman na kung sino-sino ang mga ito nang sa ganoon ay makapaglabas na kaagad ang BI ng ILBO upang mamonitor kung nasaan na ang mga contractor at higit ang mga congressman at mga senador na may ginawang milagro sa national budget.

Ang chairman ng small committee na si Ako Bicol Partylist Representative Zaldy Co ay sinasabing nasa labas ng bansa at nagpapagamot sa kasalukuyan. Inaalam pa kung sino-sino pa ang kasama ni Co sa komite na sa tingin ng mamamayan ay may malaking kinalaman sa budget insertion.

Hindi abogado si Co pero sa kanyang mga kasama sa small committee ay tiyak na may isang abogado kaya dapat ay batid nito ang maliwanag na nakasaad sa Saligang Batas.

“Art. VI Sections 1 and 2 mandates that Congress allocate funds responsibly. Article IX -B demands transparency and accountability in public spending.”

Ginawa ba ni Co at mga kasama sa Small Committee ang kanilang constitutional duties with justice, honesty and good faith?

Nawa’y kumilos na ang DOJ at BI at ilagay na sa ILBO ang mga kasama ni Co bago pa may panibagong magkasakit sa mga ito at idahilang magpapagamot kaya kailangang lumabas ng bansa.

Walang mangyayari sa imbestigasyon kapag pawang nakatakas na ang mga sangkot. Paano pa maibabalik ang tiwala ng taumbayan sa pamahalaan kung magiging pabaya sa dapat sanay pagbibigay parusa sa mga nagkasala?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here