Home OPINION PINAS, INUUOD AT MABAHONG BASURAHAN

PINAS, INUUOD AT MABAHONG BASURAHAN

223
0

WALA na yatang magandang balita ngayon kundi batuhan ng mga inuuod at mabahong basura sa gobyernong Marcos.

Kabilang sa nakasusukang balita ang reklamo mismo ng mga taga-Palasyo na inginunguso sila ng Kamara o House of Representatives na sila ang pinagmumulan ng matinding korapsyon.

Patunay rito ang pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na mahigpit na tinututulan ng Gabinete o mga Kalihim ng mga Departamento ng Ehekutibo ang gawain ng mga kongresman na ibalibag sa kanila ang sarili nilang korapsyon at kapalpakan.

Hindi umano papayagan ng Gabinete na atakehin ng mga kongresman ang integridad at dangal ng Ehekutibo at gawing hostage ang proseso ng badyet gamit ang pamumulitika.

Sinabi ni Bersamin na lahat ng imbestigasyon sa mga anomalya ay mauuwi sa wala kung hindi maitutuwid ang korapsyon, sabay tawag sa Kamara na makinig sa panawagan ng mga tao ukol sa accountability o managot ang dapat managot.

Sa huli, sinabi ng pahayag ni Bersamin na MAGLINIS MUNA ANG KAMARA SA SARILI NITONG BAKURAN.

Kaugnay ng pahayag ang pagpilit ng mga kongresman na puno ng mga pagkikikbakan o insertion ang isumite ni Pangulong Bongbong Marcos sa Kamara na National Expenditure Program o panukalang pambansang badyet para sa 2026,

Dahil dito, binalak na ibalik ng Kamara ang NEP sa Department of Budget para linisin ito mula sa insertions, partikular na ang sa DPWH.

Napakalaking bad news ‘yan na nagbabatuhan ng basura o korapsyon ang Kamara at Palasyo.

Very bad news naman ang kawalan hanggang ngayon sa mga imbestigasyon ng Kamara, Senado at Palasyo ng sinomang mambabatas, kongresman man o senador, na tunay na sangkot sa kikbakan, lalo na sa halos P1 trilyong flood control fund sa nakalipas na tatlong taon ng administrasyong Marcos.

Ang lumilitaw, nagbabatuhan din ng korapsyon o basura ang mga taga-Kamara at Senado.

Inuuod at mabahong basurahan na ba ang Pinas?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here