Home TOP STORIES Hippopotamus, dumamba ng bangka sa Ivory Coast; 11 katao nawawala

Hippopotamus, dumamba ng bangka sa Ivory Coast; 11 katao nawawala

267
0

ABIDJAN, Ivory Coast – 11 katao kabilang ang ilang mga bata ang nawawala matapos pataubin ng isang hippopotamus ang kanilang bangka sa timog-kanluran ng Ivory Coast, sinabi ng isang opisyal ng gobyerno noong Sabado.

Sinabi ni Myss Belmonde Dogo, ang West African nation’s minister for national cohesion and solidarity, na ang mga nawawala ay kinabibilangan ng mga kababaihan, mga batang babae at isang sanggol.

Sinabi niya na itinumba ng hippopotamus ang isang makitid, na bangka noong Biyernes, habang binabagtas nito ang Sassandra River malapit sa bayan ng Buyo.

Sinabi ni Dogo na tatlong tao ang nakaligtas sa insidente, at nagpapatuloy ang paghahanap sa mga nawawalang biktima.

Sa isang pag-aaral ng mga mananaliksik sa unibersidad ng Ivory Coast noong 2022, ang mga hippopotamus ay ang mga species na pinaka nauugnay sa mga pagkamatay o pinsala sa bansa.

Mayroong tinatayang 500 hippos sa Ivory Coast, na ipinamahagi sa iba’t ibang mga ilog sa timog ng bansa, pangunahin ang Sassandra at ang Bandama water course.

Ang mga aksidente sa bangka ay medyo karaniwan sa bansa, dahil ang mga handcrafted na longboat ay ginagamit upang mag-navigate sa pagitan ng mga komunidad sa tabing-tubig, at madalas na overloaded sa mga pasahero at mga kalakal.

Noong Abril, isang dosenang bata at kabataan ang nalunod nang tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa isang lagoon malapit sa pangunahing lungsod ng Abidjan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here