Home NATIONWIDE QC 5th District Rep. Vargas, may patutsada sa mga pahayag ng Discaya

QC 5th District Rep. Vargas, may patutsada sa mga pahayag ng Discaya

337
0

MANILA, Philippines – Kwestyunable para kay Quezon City 5th District Rep. Patrick Michael Vargas ang tunay na motibo ng mag-asawang Discaya sa kanilang ginawang pahayag sa pagdinig ng Senado.

“100% NOT TRUE. Ano kaya ang motibo nila.  Zero. This is confirmed and certified,” ang saad ni Vargas gayung wala naman aniyang proyekto sa kaniyang distrito ang mga Discaya.

Aniya, maghahain siya ng kaukulang kaso laban sa mag-asawa dahil sa aniya’y pagsisinungaling.

“I will file a case against them for this blatant lie. My track record speaks for itself.”

Hinamon naman ni Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno ang mga pinangalanang kongresista sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee lalo na ang mga tauhan at opisyal ng Department of Public Works and Highways na ilahad sa publiko ang kanilang statement of assets, liabilities and networth (SALN).

Hinamon din niya ang mga ito na lumagda ng waiver sa bank secrecy para sa ganap na transparency.

“Hinihikayat din natin ang ibang mga kontratista at opisyales na lumantad at isiwalat ang kanilang nalalaman tungkol sa mga iregularidad. Kitang-kita na ang korapsyon ay paulit-ulit na nangyayari sa iba’t ibang administrasyon, at umaabot hanggang sa mga pinakamataas na antas ng kapangyarihan. Dapat mapanagot ang mga nasa likod nito, pati na ang kanilang mga kasabwat. Hindi tayo papayag na may makakalusot.” (Meliza Maluntag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here