Home NATIONWIDE Kaso, resbak ng mga mambabatas na nilaglag ng Discayas

Kaso, resbak ng mga mambabatas na nilaglag ng Discayas

262
0

MANILA, Philippines – Ipinahayag ng ilang mambabatas nitong Martes na pinag-iisipan nilang magsampa ng kaso laban kina Curlee at Sarah Discaya matapos silang akusahan ng pagtanggap ng kickback mula sa flood control projects sa pagdinig ng Senado.

Ayon kay Pasig Rep. Roman Romulo, bagama’t bukas siya sa posibilidad ng kaso, dapat manatili ang pokus sa ghost at substandard projects na ikinakabit sa mga Discaya. “The issue here is the ghost projects… not just the cases,” aniya, at idinagdag na isinangkot siya dahil sa kanilang tunggalian sa pulitika sa Pasig.

Sinabi naman ni Marikina Rep. Marcelino “Marcy” Teodoro na maaaring maharap ang Discayas sa kasong perjury dahil nagsumite umano sila ng maling testimonya sa ilalim ng panunumpa sa Senate Blue Ribbon Committee.

Tinawag pa niya itong “demolition job” matapos niyang ilantad ang double funding at red flags sa 2026 budget.

Mariin ding itinanggi ng iba pang mambabatas na pinangalanan ng Discayas ang mga alegasyon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here