Home NATIONWIDE DPWH humiling sa DOJ na maglabas ng ILBO vs ex-Usec Bernardo

DPWH humiling sa DOJ na maglabas ng ILBO vs ex-Usec Bernardo

287
0

MANILA, Philippines – Mahigpit na ring babantayan ang galaw ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo matapos siyang pangalanan sa pagdinig sa Mababang Kapulungan na sangkot sa flood control projects.

Ito ay matapos na pormal na humiling si DPWH Secretary Vince Dizon sa Department of Justice (DOJ) na maglabas ng Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban sa kanya.

Ayon kay Dizon, mahalagang makapaglabas agad ng ILBO upang hindi maantala ang imbestigasyon sa mga umano’y ghost at substandard na flood control projects na lumutang sa mga pagdinig sa Senado at Kamara.

Dagdag pa ni Dizon, dapat ding maging alerto ang Bureau of Immigration at iba pang law enforcement agencies upang bantayan ang anumang tangkang pag-alis ng bansa ng dating opisyal. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here