Home HOME BANNER STORY DFA: Walang Pilipinong nasaktan sa pag-atake ng Israel sa Qatar

DFA: Walang Pilipinong nasaktan sa pag-atake ng Israel sa Qatar

327
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Miyerkules na walang Pilipino ang direktang naapektuhan sa pag-atake ng Israel laban sa mga opisyal ng Hamas sa Doha, Qatar noong Setyembre 9.

Ayon sa DFA, patuloy na mino-monitor ng mga opisyal ng embahada sa Qatar ang sitwasyon at magbibigay ng mga update sa kanilang opisyal na social media accounts.

Pinayuhan din nila ang mga Pilipino na manatiling kalmado, manatili sa loob ng bahay, at sundin ang abiso ng mga lokal na awtoridad.

Ayon sa ulat ng Reuters, pinalawak ng Israel ang operasyon militar nito sa Gitnang Silangan at inatake ang mga lider ng Hamas sa Doha.

Mariin naman itong kinondena ng Qatar bilang isang “flagrant violation of international law.” Ayon sa Hamas, ligtas ang kanilang mga opisyal na kabilang sa negosasyon para sa ceasefire. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here