Home ENTERTAINMENT Cong. Arjo, magsasampa ng kaso vs accusers!

Cong. Arjo, magsasampa ng kaso vs accusers!

290
0

Manila, Philippines — Pasabog ang pagkakadawit sa pangalan ni Cong. Arjo Atayde sa flood control project scandal.

Sa pamamagitan ng isang Instagram story, mariing itinanggi ni Arjo ang paratang ng mag-asawang contractor na sina Sarah at Curlee Discaya, na nagsabing isa siya sa mga kongresistang nakinabang umano sa kickback mula sa flood control projects.

Ayon kay Cong. Arjo: “I categorically deny the allegation that I benefited from any contractor. I have never dealt with them. Hindi totoo ang mga akusasyon na ito. I have never used my position for personal gain, and I never will. I will avail of all remedies under the law to clear my name and hold accountable those who spread these falsehoods.”

Mukhang bubuwelta si Arjo sa kanyang mga accusers at magsasampa ng kaso.

Samantala, hindi rin napigilan ni Maine Mendoza, asawa ni Arjo, na magsalita matapos idawit ng mag-asawang Discaya ang kanyang mister sa flood control anomaly.

Giit niya, mula’t simula ay tapat na naglilingkod si Arjo sa kanyang distrito sa Quezon City.

Nananalangin din umano siya na mapanagot ang totoong may sala sa naturang isyu at hindi madamay ang mga inosente. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here