MANILA, Philippines – Inilabas ng Apple ang bagong iPhone Air, isang mas manipis at mas matibay na modelo na may high-density battery at bagong processor, kasama ng iPhone 17.
Ang iPhone 17 ay may mas maliwanag at scratch-resistant na screen, A19 chip na gawa sa 3-nanometer tech na may mas pinahusay na AI features, at bagong front camera para sa mas malinaw na horizontal selfies.
Ipinakilala rin ang AirPods Pro 3 na may live translation ng mga wika at real-time na pagsasalin kung parehong gumagamit ang nag-uusap. Presyo nito ay $249 at magiging available sa Setyembre 19.
Ang pinakabagong Apple Watch ay may blood pressure monitor (pending pa ang approval) na inaasahang makakatulong sa 1 milyong tao. Hindi tumaas ang presyo: SE sa $249, Series 11 sa $399, at Ultra sa $799.
Ayon sa analysts, maaaring maging hakbang ang iPhone Air tungo sa foldable phone ng Apple para makipagsabayan sa Samsung, lalo na sa China.
Sa kabila ng higit $1 bilyong epekto ng tariffs ngayong quarter, nanatiling pareho ang presyo ng base iPhone models. RNT