MANILA, Philippines – Inaresto ng mga awtoridad ang isang suspek at nakumpiska ang tinatayang ₱6.8 milyon na halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Barangay Sinunuc, Zamboanga City nitong Lunes ng gabi.
Kinilala ni PDEA-9 director Ryan Babang ang suspek bilang si alyas Almisal, residente ng lungsod.
Nakuha mula sa kanya ang 1 kilo ng shabu na nakalagay sa gold tea bag na may label na Guanyinwang, kasama ang buy-bust money.
Matapos ang ilang araw na surveillance, nahuli ang suspek na ngayon ay haharap sa kaso sa ilalim ng Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Ayon kay Babang, layon ng kampanya na buwagin ang mga drug network sa rehiyon. Noong nakaraang buwan, mahigit ₱1.1 bilyon ang nasabat na droga, kabilang ang ₱605.2-milyong shabu sa Barangay Rio Hondo. RNT