Home NATIONWIDE 6 Hapon na JP Dragon syndicate member, ipinatapon ng BI

6 Hapon na JP Dragon syndicate member, ipinatapon ng BI

242
0

MANILA, Philippines – IPINAHAYAG ng Bureau of Immigration (BI) na ipinatapon na nila sa kanilang bansa ang anim na Japanese nationals na kinilala bilang miyembro ng isang notorious crime syndicate.

Ayon kay BI Deportation and Implementation Unit chief, Atty. Alex Arciaga, umalis ng bansa ang mga dayuhan na sina Hiraki Ishikawa, 46; Tsubasa Amano, 30; Akira Sambonchiku, 26; Naoto Matsumoto, 36; Rintaro Yamane, 28; at Masato Morihiro, 38, sa pamamagitan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sakay ng Japan Airlines flight papuntang Tokyo noong Miyerkules ng umaga.

Nabatid sa BI na ang mga Japanese national ay inaresto noong Mayo 21 ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa San Jose del Monte City, Bulacan at Ermita, Manila.

Inaresto sina Rintaro at Masato sa isang condominium unit sa kahabaan ng Adriatico St. sa Ermita, habang ang iba ay naaresto sa isang residential area sa Quirino Highway sa Bulacan.

Ang grupo ay kinilala ng Japanese authorities bilang mga miyembro ng kilalang “JP Dragon,” na wanted sa kanilang bansa dahil sa large-scale fraud.

Ayon sa BI, ang sindikato ay kasangkot sa iba’t ibang ilegal na aktibidad, karamihan ay panloloko, na nagta-target sa mga senior citizen sa Japan. Ang kanilang modus ay magpanggap na mga awtoridad para lokohin ang mga biktima na magbigay ng malaking halaga ng pera.

Dahil dito, isang summary court sa Fukuoka, Japan ang naglabas ng warrant of arrest laban sa lima sa kanila noong Marso 5 dahil sa mga kaso ng pagnanakaw, habang si Matsumoto naman ay napag-alamang isang overstaying alien. Jay Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here