Home ENTERTAINMENT Carla, bumanat, nakisali na sa kontra korapsyon!

Carla, bumanat, nakisali na sa kontra korapsyon!

307
0

Manila, Philippines – Kilala si Carla Abellana na prangka sa pagsasabi ng kanyang saloobin.

Kaya hindi na kataka-taka kung nakikiisa ang Kapuso actress sa ipinaglalaban ng ating mga mamamayan–tuldukan na ang laganap na korapsyon.

Sa kanyang Instagram account ay pasimpleng bumanat si Carla by posting a photo of bundles in P1,000 in denomination.

Kuha ‘yon base sa hearing nitong September 9 habang nakasalang si dating assistant district engineer Brice Hernandez.

Pinakitaan kasi siya ng serye ng mga larawan and was asked to describe them.

Isa doon ay ang limpak-limpak na pera sa mesa sa kanyang tanggapan.

Aniya, normal sight lang daw na nakalatag ang bundle-bundle ng pera to be handcarried sa mga kinauukulang tao bilang parte sa mga maanomalyang DPWH project.

“Ayan ‘yung pera ko, nakita ko na!” pabiro pero makahulugang post ni Carla.

Ipinapalagay kasing mula sa buwis ng taumbayan ang perang ninanakaw ng ilang opisyal o kawani ng gobyerno.

Samantala, nag-post din ng meme si Edu Manzano na lumalantak ng chicharon.

Nasa background niya ang limpak-limpak na lilibuhing pera na naka-bundle.

Earlier, nag-post ang aktor na: “Laglagan na!”

Ito’y nang magsimulang “ikanta” ang mga taong sangkot sa anomalous flood control projects. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here