Home METRO 2 inaayos na C5 flyover, binuksan na nitong Nob. 1 ng gabi

2 inaayos na C5 flyover, binuksan na nitong Nob. 1 ng gabi

2
0

MANILA, Philippines — Muling bubuksan sa mga motorista sa Lunes ng gabi, Nobyembre 2, ang dalawang inayos na flyover sa C5 Road, isang araw na mas maaga sa orihinal na iskedyul.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), bubuksan ang northbound lanes ng C5 Boni Serrano Flyover at Pasig Boulevard-C5 Flyover sa Lunes ng gabi.

Samantala, alas-4 ng madaling araw naman sa Martes, Nobyembre 3, bubuksan ang southbound portion ng Pasig Boulevard-C5 Flyover.

Mas maagang natapos ang repair works matapos ipag-utos nina Public Works Secretary Banoy Lopez at Transportation Secretary Vince Dizon na pabilisin ang pagkukumpuni dahil sa matinding trapiko sa lugar, partikular ngayong Undas kung kailan maraming bumibiyahe.

Humingi naman ng pang-unawa ang DPWH sa mga motorista at commuter sa abalang dulot ng isinagawang repair works. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here