Home NATIONWIDE Petisyon sa Writ of Kalikasan kaugnay sa flood control, inihain sa Korte...

Petisyon sa Writ of Kalikasan kaugnay sa flood control, inihain sa Korte Suprema

264
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Nanawagan ang ilang indibidwal sa Korte Suprema na maglabas ng Writ of Kalikasan kaugnay sa flood control kasabay ng paghahain ng petisyon.

Kabilang sa mga respondents sa petisyon angĀ Office of the President, Senado, Kamara, Department of Budget and Management (DBM), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of the Environment and Natural Resources (DENR), Metro Manila Development Authority (MMDA), mga Lokal na pamahalaan at mga contractor na may kinalaman sa flood control projects.

Sa 28 pahinang petisyn na inihain sa Korte Suprema ni Atty. Ariel Inton Jr, hiniling na maglabas ng writ of kalikasan na naglalayong malutas ang nilikhang pagkasira ng kalikasan, magkaroon ng massive clean-up at tukuyin ang master plan para sa flood control sa bansa.

Hiniling din sa petisyon na atasan ang DILG at LGUs na magsagawa ng clearing at de-clogging sa mga ilog at drainage systems.

Bukod diyan, hiling din nila na atasan ang DPWH na ipatupad ang malawakang rehabilitasyon at mapanagot ang mga sangkot sa mga katiwalian.

Irekomenda sa Kongreso na ayusin ang National land Use Plan.

Umaasa rin ang petitioners na magrerekomenda sa Kongreso na ipatupad ang National Land Use Plan.

Ang writ of kalikasan ay isang legal remedy na nagtatakda ng proteksiyon s akarapatan ng mga indibidwal para sa balanced and healthful ecology.

Layon ng petisyon na mapangalagaan ng taumbayan ang kapaligiran. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here