CAVITE, Philippines – Nasa P500,000 halaga ng cash ang natangay sa isang E-Tap collector matapos holdapin at tangayin ang kanyang motorsiklo sa Tanza, Cavite.
Ayon sa report, nakilala ang suspek na si alyas “Erwin” dahil sa rouge gallery of criminals at may patong-patong na kaso ng panghoholdap sa buong CALABARZON at kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya.
Batay sa salaysay ng biktima na si alyas “Noe”, isang e-tap collector, bandang alas-6:30 kamakalawa ng umaga nang lapitan siya ng suspek, nakaupo siya sa kanyang motorsiklo habang nakaparada sa kahabaan ng Brgy Sanja Mayor, Tanza, Cavite, dito tinutukan siya ng di nabatid na kalibre ng baril at nagdelara ng holdap at tinangay ang gamit niyang motorsiklo kabilang ang P500,000.00 na koleksyon nito at tumakas patungo sa direksiyon ng Anyana.
Agad na nagsumbong ang biktima sa pulisya kung saan narekober ang iniwang motorsiklo sa Nahara Road, may dalawang kilometro ang layo mula sa pinangyarihan ng insdente.
Lumabas sa imbestigasyon na may mga ilang insidente ng panghoholdap ang suspek na kalimitan ay nambibiktima ng mga E Tap collector sa buong region ng Calabarzon. MARGIE BAUTISTA