Home NATIONWIDE 14% lang ng Pinoys ‘kumportable’ sa financial status

14% lang ng Pinoys ‘kumportable’ sa financial status

263
0

MANILA, Philippines – Lumabas sa Shopperscope 2025 report ng Worldpanel na umabot sa 14% lang ng mga Pilipino ang nagsasabing sila ay “komportable” sa kanilang pinansyal na kalagayan.

Karamihan o 75% ang nagsabing sila ay “nakakaraos” sa pamamagitan ng dagdag na hanapbuhay, habang 11% ang umaaming nahihirapan.

Marami ang nagsabing mas nakabawi sila ngayong taon kumpara noong 2024.

Iniulat ng Worldpanel na tumaas ng 10 puntos ang bilang ng mga Pilipinong naniniwalang bubuti ang kanilang sitwasyong pinansyal sa susunod na 12 buwan.

Gayunpaman, nananatili silang maingat dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at gasolina.

Nananatili ring pangunahing alalahanin ang kalusugan at kapakanan. Tinatayang lalaki ng 4–5% ang sektor ng fast-moving consumer goods (FMCG) ngayong 2025. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here