MANILA, Philippines – Isang siyam na taong gulang na estudyante ang nalunod matapos matangay ng biglaang pag-apaw ng tubig-baha sa Iligan City nitong Miyerkules.
Ayon sa kanyang guro, pauwi na siya mula sa paaralan nang abutan ng malakas na ulan; ayon sa mga nakakita, nadulas siya at nahulog sa kanal.
Natagpuan ang kanyang bangkay sa Barangay Tubod.
Nagdulot din ng pagbaha ang malakas na ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sa Barangay Pacuan, La Libertad (Negros Oriental), may mga residenteng tumawid sa rumaragasang spillway habang ang iba’y na-stranded.
Tumaas din ang tubig-baha sa Guihulngan City, at nalubog ang isang kalsada sa Barangay Caridad, Sultan Kudarat.
Sa Midsayap, Cotabato, gumamit ang lokal na pamahalaan ng heavy equipment para alisin ang mga debris sa baha, habang nakaranas ng malakas na ulan at halos zero visibility ang ilang bahagi ng Quezon City. RNT