Home NATIONWIDE Petsa ng paglalabas ng hatol sa 15 graft raps vs Enrile, Gigi...

Petsa ng paglalabas ng hatol sa 15 graft raps vs Enrile, Gigi Reyes at iba pa, iniurong

270
0

MANILA, Philippines – Ipinagpaliban ng Sandiganbayan Special Third Division nitong Biyernes, Setyembre 12 ang pagbasa ng hatol sa 15 kasong graft laban kay dating Senate President Juan Ponce Enrile, dating chief-of-staff nitong si Jessica “Gigi” Reyes, negosyanteng si Janet Napoles at iba pa kaugnay ng umano’y maling paggamit ng P172-milyong pork barrel o Priority Development Assistance Fund (PDAF).

Ayon kay Atty. Dennis Pulma, clerk of court ng Sandiganbayan Third Division, ini-reset sa Oktubre 24, 2025 ang promulgasyon ng desisyon.

Ipinaliwanag ni Pulma na kinailangang ipagpaliban ang pagbasa ng hatol matapos magsumite ng “reflection” ang isa sa mga mahistrado ng Special Third Division na kailangan pang pag-usapan.

Dumalo online sa nakatakdang promulgasyon ang 101-taong gulang na si Enrile at si Napoles, habang personal na humarap si Reyes at iba pang akusado.

Matatandaang noong Nobyembre 2023, tumestigo si Reyes na pinirmahan ni Enrile ang isang liham noong 2012 na ipinadala sa Commission on Audit (COA), kung saan kinumpirma nito na ang mga lagda sa endorsement letters ng mga NGO ni Napoles ay sa kanya at ni deputy chief-of-staff Jose Antonio Evangelista, bagay na kanyang kinuwestiyon.

Nagprisinta rin ng ebidensya ang prosekusyon kabilang ang liham ni Enrile noong Setyembre 17, 2008 kay dating Budget Secretary Rolando Andaya Jr. para ilabas ang PDAF sa mga ahensyang konektado kay Napoles.

Tumestigo rin ang ilang municipal agriculturists mula Pangasinan, Davao Oriental at La Union na hindi nila natanggap ang mga agricultural packages at livelihood projects na tinukoy sa mga kaso laban sa dating senador at mga kasamahan nito.

Samantala, sinabi rin ni dating COA assistant commissioner Susan Garcia na nagsumite ang tanggapan ni Enrile ng mga dokumentong nagkukumpirma na natanggap umano ang mga kagamitan mula sa mga NGO ni Napoles, bagay na pinagdududahan ng prosekusyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here