Home NATIONWIDE Walk-out protest idinaos sa UP Manila

Walk-out protest idinaos sa UP Manila

275
0

MANILA, Philippines – Nagkasa ng walk out protest ngayong araw, Setyembre 12 ang UP Manila matapos na opisyal na inendorso ni UP Manila Chancellor Michael Tee ang Black Friday Protest nang matanggap ang liham mula sa University Student Council laban sa korapsyon sa bansa.

Panhungunahan ito ng CAS Student Council at mga kaalyadong organisasyon ang college-wide walkout alas-11:30 ng umaga ngayong araw.

Unang nagbigay ng suporta rito si College of Arts and Sciences (CAS) Dean Ma. Teresa De Guzman.

Susunod din ang iba pang “white colleges” mula Pedro Gil patungong CAS bandang tanghali.

Panawagan ng USC ang pagtindig
laban sa korapsyon at impunity at ang paglaban para sa transparency at accountability.

Hinimok din ni 42nd Student Regent Ron Dexter Clemente ang buong komunidad ng UP na makiisa sa mga walkout para ipakita ang kanilang pagkadismaya sa mga pagkaantala ng imprastruktura sa iba’t ibang kampus.

Nakatakda ring isagawa ang katulad na pagkilos sa UP Diliman, Tacloban, at Diliman Eextended Program sa Pampanga at Olongapo base naman sa pag eendorso ni UP Diliman chancellor Edgardo Vistan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here