MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) nitong Biyernes, Setyembre 12 na pinalawig pa ng dalawang taon ang rehabilitasyon at pagpapanatili ng MRT-3 kasama ang Japanese firm na Sumitomo Corp.
Nilagdaan ang kasunduan ni Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez at Sumitomo Corporate Officer at General Manager Takeshi Noguchi na sasaklaw ang mahalagang pag-upgrade sa sistema at repairs gayundin ang kasalukuyang operational reliability.
Sinabi ni Lopez na kasama ang Sumitomo, Japan International Cooperation Agency (JICA), at ang Gobyerno ng Japan inaashan nilang matiyak na ang MRT-3 ay patuloy na makapagbibigay ng ligtas, maaasahan, at mahusay na serbisyo sa ating mga Filipino commuters at sa riding public sa pangkalahatan.
Mula noong kinuha ng Sumitomo Corp. ang rehabilitasyon at pagpapanatili ng rail line noong 2019, pinataas ng MRT-3 ang mga operational trains sa pinakamataas na 22 mula sa 7 noong 2018.
Nagbigay-daan ito sa pag-deploy ng hanggang 20 train sets sa peak hours, sabi ng DOTr. Jocelyn Tabangcura-Domenden