Home NATIONWIDE Teves pinagbigyan ng Manila RTC na makapagpiyansa

Teves pinagbigyan ng Manila RTC na makapagpiyansa

318
0

MANILA, Philippines – Pinagbigyan ng korte ang kahilingan ni dating Negros Oriental Cong. Arnoldo Teves na makapagpiyansa sa isa sa kinakaharap niyang kaso.

Sa kumpirmasyon ni Atty. Ferdinand Topacio, legal councel ni Teves, na abot sa P120,000 ang inirekomendang piyansa ng kanyang kliyente sa kasong murder noong 2019 sa Basay, Negros Oriental sa Manila Regonal Trial Court Branch 12.

Gayunman, sinabi ni Topacio na may mga nakabinbin pang mga petisyon para sa ibang kaso si Teves kya malabo pa itong makakalaya.

“We still have pending petitions in two other cases. However, this is a manifestation tahht the cases againts Mr.teves are weak since they are just politically motivated,” sabi ni Topacion sa media Viber group.

Ayon kay Topacio, may dalawa pa silang dalawang pending petitions. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here