Home HOME BANNER STORY Hernandez, Jaypee Mendoza sinibak na sa DPWH – Dizon

Hernandez, Jaypee Mendoza sinibak na sa DPWH – Dizon

287
0

MANILA, Philippines – Nakatakdang lagdaan ni DPWH Secretary Vince Dizon ang dismissal order laban kina Bulacan 1st District Assistant Engineer Brice Hernandez at Engr Jaypee Mendoza.

Inanunsyo ito ng kalihim sa press conference nitong umaga ng Biyernes, Setyembre 12 sa tanggapan ng DPWH kung saan sinabi ni Dizon na linggo-linggo ay mayroon silang kakasuhan sa Office of the Ombudsman.

Binigyang-diin ni Dizon na kaugnay ang kanilang paghahain ng kaso sa Ombudsman sa palpak at substandard na proyekto ng flood control sa Oriental Mindoro.

Noong nakaraang linggo, personal na nag-inspeksyon si Dizon sa Naujan, Oriental Mindoro kung saan may mga nabuking na palpak na proyekto ng SunWest Construction and Development Corporation, maging ng St Timothy Construction Corporation at Elite Construction na kapwa konektado sa mga Discaya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here